"In Working Together, Together WE Get there"
"By helping EACH other and by Empowering PEOPLE we will be able to Achieve our Common GOALS for Community Development and by Conserving and Preserving our Environment"
-Ka Edong Magpayo-
My Vision and Mission...
“We take the LEAD to Win a FRIEND, to SERVE the Youth and Community, to Protect our Environment and to Empower our People”
-EdongDugong Magpayo-
Vision (Tinatanaw):
"Ang Kabataan at Komunidad ay may matatag na Edukasyon; malusog na pangangatawan at pag-iisip; patuloy na lumalahok kasama ng Komunidad sa Pang-kalikasan at Pang-kaunlarang Programa; may paki-alam sa usaping Pang-Kapaligiran; may mataas na kamalayan sa usaping pang-kalikasan; lumilikha ng mga Serbisyong Pagkakakitaan na isinasaalang-alang ang Kapakakan ng Likas-yaman ng Puerto Princesa; at napapanatili ang malusog at balanseng ekosistema nito."
Mission (Pangarap na Gawin/Misyon):
1. Makabalikat ng mga kabataan at komunidad sa pang-kalikasang, pang-edukasyon, pang-kalusugan at pang-kaunlarang gawain;
2. Mapalakas ang kasananayan ng Kabataan at Komunidad sa usapin ng edukasyon at ng pangangalaga sa yamang-likas;
3. Makaagapay ng Komunidad at Kabataan sa pagpapalawig ng kaalaman sa mga produktong pagkakakitaan na maituturing na eco-friendly;
4. Mapataas ang kamalayan ng mga kabataan at mamamayan ng Puerto Princesa sa kahalagahan ng kalikasam, malusog at malinis na kapaligiran;
6. Makatulong sa pagpapatatag ng mga samahang Pang-pamayanan at Kabataan;
7. Makabalikat ng mga Kabataan at Mamamayan sa pagpapatatag ng kanilang samahan; at
8. Makapagbalangkas at makapagbuo ng mga ordinansang maka-kalikasan; makalusugan, maka-kabataan at maka-komunidad.