Environment and Climate Change Scripts Written by Edong Magpayo
for Ecological and Climate Change Theater Caravan of
Palawan Conservation Corps (PCC)
Tag-ulan sa Tag-araw (Rainy Days in Summer)
(isang karanasan ukol sa pagbabago ng klima)
Ni: EdongDugong Magpayo
Mga Tauhan :
Lawan: Sampung taong gulang na Anak ni Aling Bebang at Mang Gusting na apo ni Lolo Baste, mausisa at at mapaliwanag sa kung ano ang narinig at nalalaman niya.
Palaw: Kaibigang matalik at tagapang-tanggol ni Lawan sa kanilang kalaro.
Mina: Isang batang hindi naniniwala sa mga kuwento. May sarili siyang mundo.
Luntian: Kababata ni Lawan at Mina na kapwa lumaki sa luntiang kapaligiran.
Aling Bebang: Nanay ni Lawan na tumutulong sa mga huling isda ni Mang Gusting para ilako sa kanilang komunidad.
Mang Gusting: Isang mangingisda na ama ni Lawan, idolo niya sa paggamit ng maka-lumang uri ng pangingisda.
Lolo Baste: Isang matanda na mahilig mag-kwento ng kaniyang nakaraan sa grupo ni Lawan.
Ang Tagpo: Sa harapan ng bahay nina Lawan, matatagpuang naka-upo sa harap nito si Lolo Baste na waring may inaantay hawak ang kaniyang tukod. Biglaang bubungad ang grupo nina Lawan na ikagugulat ng matanda.
Mga bata: (Pasigaw na gugulatin si Lolo Baste) Lolo Baste!!! Magandang umaga po!
Lolo Baste: (tatayo at itutungo ang hawak na tukod sa mga bata) Kayo talaga mga batang ire, bakit ba lagi na lang ninyo akong ginugulat ha?
Mga bata: (sabay-sabay na magsasalita) Hindi naman po Lolo Baste (sabay na magmamano sa matanda).
Lawan: Bakit po ba lagi kayong nakaupo dito sa harap ng bahay Lolo? At palagi kayong nakatanaw sa baybay?
Lolo Baste: Inaabangan ko ang pagsikat ng araw, dahil sa oras na ito ko na lamang nararamdaman ang tamang init na ibinibigay niya sa atin mga apo. At tingnan ninyo ang baybay natin, dati ang tubig dagat ay hindi umaabot sa ating gulayan pero ngayon unti-unti na siyang pinapasok ng tubig alat.
Luntian: Bakit ‘nyo po ito nasabi Lolo Baste?
Lolo Baste: Dahil noong bata pa ako at sa magka-edad ay hindi ko naman iyan nasasaksihan dati. Pero ngayon kakaiba na mga anak, tingnan ninyo dahil sa tubig alat na umaabot sa lugar natin namamatayan tayo ng mga gulayan.
Mina: Normal iyon Lolo nagbabago po talaga ang mundo. Sabi niyo nga po noon bata kayo at tumanda, ibig sabihin nagbago din po kayo. Ganoon din po ang dagat tumataas ang tubig.
Lolo Baste: Pero ibang-iba ito mga apo sa sinasabi kong pagbabago. Dahil ang panahon ay talagang hindi na gaya ng dati, ang panahon ng tag-ulan ay napapalitan na ng lubhang tag-init at ang dating tag-tuyot ay napapalitan na ng madalas na pag-ulan.
Palaw: Ganoon po ba! Naririnig ko nga po sa radyo at madalas itong pag-usapan na nagbabago na daw po ang klima at nagkakaroon na daw po ng pag-iinit ng daigdig.
Lawan: Totoo po iyon Lolo, iyan din po ang sabi ng aming mga guro.
Mina: Hindi po totoo iyan Lolo Baste, talagang mainit lang po ang panahon ngayon.
Luntian: Ano ka ba Mina, totoo ang sinasabi ni Palaw at Lawan nagbabago na talaga ang klima ng ating planeta.
Lolo Baste: Kayo talaga mga bata, nasabi ko ito sa inyo dahil ako ay buhay na saksi sa mga pagbabagong ito. Tingnan niyo na lang ang mga bakawan na dati ay kay lago, pero ngayon unti-unti na itong hinuhubaran ng mga tampalasan.
Mina: Dapat lang naman po na gamitin ang mga bakawan di ba! Iyan din po ang ginawang bahay ng mga taga rito, at panggatong sa kanilang pagluluto.
Lolo Baste: Iyan din ang paniniwala ko noon. Pero nagkamali kami, dahil malaki ang gawain ng bakawan sa nagaganap na pagbabago ng klima at pag-iinit ng mundo. At kung hindi natin ibabalik ang mga puno ng bakawan sa dati nitong anyo ay sinisiguro ko mga apo na lalala pa ang problemang ito.
Lawan: Bakit po Lolo ano po ang papel na ginagampanan ng mga bakawan?
Lolo Baste: Maliban kasi sa mga kagubatan mga anak, ang bakawan ay tumutulong din na sipsipin ang mga usok na mula sa mga paktorya, sasakyan at iba pa. Kung wala sila siguradong didiretso ito sa kalawakan at mag-iipon doon na kung saan magpapalala pa sa pag-init ng mundo.
Mina: Saan niyo naman po iyan nakuha Lolo? E wala namang babasahing balita o telebisyon dito sa ating lugar.
Luntian: Ano ka ba Mina, makinig ka na nga lang. Hindi iyong pinangungunahan mo si Lolo.
Mina: Nagtatanong lang naman ha, bakit masama ba?
Lolo Baste: Hindi mo ma ba narinig ang apo ko kanina ha Mina? Hindi ba’t binaggit niyang nakikinig siya sa radyo at ganoon din ako lagi akong nakikinig sa usapan ng Mundo Ko ‘To sa DYPR AM tuwing araw ng sabado, kina Atty. Anda at Kabagang Edong Magpayo. Tama ba ako apo ko?
Lawan: Opo Lolo tama po kayo.
(mapuputol ang usapan dahil sa di kalayuan ng pangpang ay padating naman ang Ama ni Palaw na nagkukubli ang kalungkutan sa gilid ng kaniyang mga mata, tatakbuhin ni Lawan ang Ama at magmamano ito na susundan ng kaniyang mga kalaro)
Mang Gusting: Kaawan kayo ng Diyos mga bata, (tutunguhin si Mang Baste para magmano habang ang mga bata ay nakamasid lamang sa Mag-ama) magandang araw Ama!
Lolo Baste: Bakit ba tila hindi maipinta ang iyong mukha anak? May problema ka ba?
Mang Gusting: Mahina ang ani sa dagat Ama, wala akong ganong nasalok na isda mula dito.
Lawan: (magatatanong sa Ama) Bakit po Ama, ano po ang nangyari?
Mang Gusting: Nagababago na ng tuluyan ang galaw ng dagat anak, hindi na siya gaya ng dati.
Lolo Baste: Iyan, iyan ang aking sinasabi. Marahil epekto ng ito ng pagbabago ng klima anak.
Palaw: Bakit po? Ano pong epekto iyon Lolo Baste?
Lolo Baste: Tanungin mo ang aking apo ukol sa kaniyang napakinggan sa radyo.
Lawan: Sabi sa radyo ang mga isdang madalas nating makita sa mababaw na tubig ay bumababa na sa mas malalim na lugar. Dahil ang dating tamang init na kaya ng kanilang katawan ay nag-iba na at dahil ito sa pag-iinit ng mundo.
Luntian: Hindi lamang daw po iyon ang epekto ng Pag-iinit ng Mundo. Kasi maging ang kanilang tahanang bahura o korales ay unti-unti na rin daw pong napupulbos o nadudurog dahil sa sobrang init ng panahon.
Lolo Baste: Iyan ay ilan lamang sa dahilan ng pagtatago at pagkukubli ng mga isda. Hindi nila kaya ang init at sira na rin ang kanilang tirahang bahura, kung kaya yung iba naghahanap ng bago nilang matutuluyan. Kaya hindi na natin sila makita muli.
Mina: Hindi po totoo iyan, kasi bakit sa kabilang bayan may mga huli po silang isda?
Palaw: Hindi ka kasi nagtatanong sa kanila Mina kung bakit marami silang huling isda.
Mina: bakit kung magtatanong ba ako ay bibigya nila ako ng isda? Hindi naman ‘di ba!
Luntian: Iyon nga ang mali mo, dahil kami nina Palaw at Lawan ay tinatanong namin sila at alam mo ba kung bakit sila maraming huling isda?
Mina: Hindi!
Mang Gusting: Ako na lamang ang sasagot kay Mina mga anak. Dahil ang sasakya nilang Bangka ay hamak na mas malaki sa atin at sila ay nangingisda sa mas malayo at malalim na bahagi ng tubig dagat gamit ang kanilang mga naglalakihang lambat. Samantalang tayo halos dito lamang sa abot tanaw ng baybay nangingisda at apektado pa ang ating mga bahura na kanilang tirahan.
(lalayo ng kaunti si Mina at magtatago sa likod ni Lolo Baste)
Lolo Baste: Paano na ang gagawin mo Anak? Anong iuulam natin at ibibili ng bigas, kape at asukal?
Mang Gusting: Huwag kayong mag-alala Ama dahil nakapag-ipon naman tayo sa mga nauna kong kinita sa pagsasalok ko ng isda sa dagat.
(walang ano-ano ay biglang may sisigaw sa likuran ng bahay na tila galit na galit)
Aling Bebang: Ama, mga bata magsipasok muna kayo sa loob ng bahay.
Lawan: Bakit po Ina? Ano pong nangyayari?
Luntian: Ano pong nangyayari Aling Bebang?
Aling Bebang: Hindi ‘nyo ba nakikita ang langit? Tumanaw nga kayo sa langit? Nagdidilim na naman ang kalawakan, tiyak ko bubuhos na naman ang malakas na ulan, magsasampay na nga sana ako ng biglang dumilim ang bahagi ng langit na iyon. (ituturo ang langit sa kaliwa)
Mga Bata: Oo nga, tara maligo na lang tayo sa ulan.
Aling Bebang: Hindi! Pumasok na lang kayo sa aming bahay at baka magkasakit pa kayo. (pumasok sa bahay si Lolo Baste maliban sa mga bata na sumilong na lamang sa harap ng bahay at kay Mang Gusting)
Lawan: Dito lang muna kami Ina sa harapan ng bahay at hindi naman po kami nababasa ng ulan.
Mang Gusting: Sige at huwag kayong magpapabasa sa ulan ha mga bata.
Aling Bebang: Gusting pumasok ka na nga dito at giniginaw ako sa sobrang lakas ng ulan!
Mang Gusting: (papasok ng may paglalambing) Papasok na aking mahal na asawa.
(habang naiwan ang mga bata sa may silungan ng bahay ay hindi nila maiwasang pag-usapan ang kanilang narinig at nasaksihan sa biglaang pag-ulan)
Lawan: Alam ‘nyo tama ang sabi ni Lolo Baste malaki na talaga ang ipinagbago ng panahon natin. Siyempre nasaksihan niya ito simula sa pagkabata hanggang sa magiging Lolo na siya.
(sa dulong bahagi ng silungan ay makikitang nakatayo si Mina malayos sa grupo at hindi nagsasalita)
Palaw: Oo nga eh, kaya kahit ako ay kinakabahan kapag umuulan. Kasi biglaang bubuhos ang ulan, tapos bigla na namang iinit di ba?
Luntian: Kaya nga sana bilang bata ay may magawa rin sana tayo sa kung paano tayo makakatulong dito?
(lalapita ni Luntian si Mina para tawagin na sumama sa kanilang grupo)
Luntian: Mina halika rito at magkwentuhan tayo nina Palaw at Lawan.
Mina: Mayroon naman tayong magagawa eh?
(ang pagtugon ni Mina ay ikagugulat ng lahat)
Lawan: Ano iyon Mina? Baka mamaya iba na naman ang sasabihin mo ha?
Mina: Hindi, pakinggan ‘nyo muna ako. Katunayan nakikinig dina naman ako ng radyo, hindi ko lang sinasabi ang alam ko kasi baka hindi ninyo ako pakinggan?
Palaw: Naku hindi Mina, katunayan alam naman namin na may maganda kang sasabihin kaya makikinig kami sa iyo.
Lawan: Sige na Mina sabihin mo na at makikinig kami sa iyo, tandaan natin sabi ng ating guro na tayo ang pag-asa ng bayan at ng kalikasan kaya sana talagang may maihandog tayo sa kalikasan at bayan natin.
Mina: Salamat ha, akala ko kasi parati na lang akong mali. Bakit hindi tayo mamulot ng mga punla ng bakawan na lumulutang sa baybay, ipunin natin ito at itanim.
Lawan: Tama, kapag tumila ang ulan puntahan natin mga natitirang bakawan at pulutin natin yung mga bumabagsak na punla.
Luntian: Oo nga, tiyak ko kapag ito ay ating naitanim at inalagaan siguradong babalik sa pagiging luntian ang ating kabakawan.
Palaw: Makakatulong pa ito sa pag-sala ng mga duming tutungo sa dagat gaya ng plastik, basura, lupa at iba pa.
Lawan: Sabi pa sa radyo nagiging kanlungan din ito ng mga yamang dagat gaya ng hipon, alimango, isda at pinamumugaran din ng mga ibon.
Luntian: Tumpak, at alam ‘nyo ba na hinaharangan din ng bakawan ang mga malalaking alon na pwedeng sumira ng ating bahay.
Mina: Oo nga, at hindi lang iyon may maganda pa siyang ginagawa para sa ating mundo. Kapag ito ay lumaki at lumago may taga sipsip na o taga kuha ng mga usok na likha ng gaya nating tao sa lipunan. Makatutulong tayo ng malaki sa para makabawas sa pag-iinit ng mundo at maging sa pagbabago ng klima.
Lawan, Palaw,
Luntian: (sabay-sabay na ituturo si Mina sabay sabing? Korek ka diyan Mina.) Bagay na bagay talaga sa iyo ang iyong pangalan Mina, minamahal mo ang kalikasan.
Mina: Mali kayo doon!
Lawan, Palaw
Luntian: Bakit naman? Akala ko ba yung magaganda na lamang na natutunan mo ang ibabahagi mo sa ating usapan? Bakit ganiyan ka?
Mina: mali talaga kayong lahat, dahil hindi lang naman ako ang nagmamahal sa kalikasan. Dahil minamahal nating lahat ang kalikasan!
(dagliang mananahimik muli ang mga bata at mamapasulyap sa kalangitan)
Luntian: Tingan ninyo sumisilip muli si Haring Araw, wala ng ulan, yahu!
Palaw: Kaya tara na at pumunta na tayo sa bakawan at mamulot ng itatanim nating mga punla.
Lawan: Oo nga tara na, Inay wala na pong ulan mamumulot lang po kami na bakawan sa may baybay para itanim at paramihin.
(sisilip sa bintana ang mag-asaw at si Lolo Baste na may ngiti sa mga pisngi at labi)
Aling Bebang: Mag-iingat kayo mga anak!
Mila: Aalis na po kami Nanay Bebang, sige po Paalam!
Lawan: Ayun o andaming bumagsak na punla ng bakawan dali pulutin natin.
Palaw: Ayan dito natin itanim yung mga nakuha natin.
Luntian: Naku tiyak kong magiging masaya muli ang kapaligiran dahil magiging luntian muli ang kaniyang lugar.
Mina: Aalagaan natin ito at susubaybayan ha para mapangalagaan natin ang kaniyang paglaki ng sa gayon maging kapaki-pakinabang siya para sa susunod na kabataan na gaya natin.
Palaw: Tama si Lolo Baste naging pabaya ang mga kabarangay natin noong unang panahon kung kaya nagparamdam na ang kalikasan.
Luntian: Kaya nga sana hindi pa huli ang lahat para maibalik natin ang naabuso nila sa ating mundo, at sana ay bumalik na sa dati ang tamang klima at panahon na ibinibigay sa atin ng mundo.
Lawan: Sana matuto na tayo sa ating mga naging maling gawain sa kalikasan ng hindi na lumalala pa ang pag-iinit ng mundo at pagbabago ng klima. Para muling makabalik ang mga isdang nabubuhay sa tamang temperatura ng dagat na nasa mababaw na tubig.
Palaw: Tumpak ka na naman bespren, at siyempre kapag bumalik ang tamang klima na ibinigay sa atin ay tinitiyak kong muling babangon, sisigla at ngingiti ang mga isda dahil manunumbalik na ang mga naagnas o napulbos na bahura na kanilang tirahan. Dadami ulit ang mga isda at dadami na muli ang makukuhang isda ng ating mga tatay sa dagat!
Mina: Kaya sana magbago na tayo, minamahal dapat natin ang kalikasan at hindi sinasaktan at sana ay gamitin lang natin siya ng tama para may maabutan din ang susunod na bata na gaya namin? Sana?
Luntian: Tara na at mukhang uulan na naman!
Lawan: Ayan na nga uulan na, takbooooo! (sabay-sabay na tatakbo palabas ng entablado ang mga bata)
-Tapos na Po-

Oh Klima (Ohhh Climate)
Sinulat ni: EdongDugong Magpayo
Mga Tauhan: Araw, Ozone, Joel at Vincent
Panimula: Sa malayong bahagi ng kalawakan maririnig ang pag-uusap ng dalawang nilalang na kapwa bahagi sa paglikha ng mundo at ito ay sina Araw at Ozone.
Ozone: Araw, hanggang kailan ka ba magbubuga ng init?
Araw: Hindi ko alam Ozone? Basta ang alam ko ito ang papel na ibinigay sa akin ni Bathala.
Ozone: Ha! Kawawa naman ang Tao, patuloy kasi silang nakakaranas ng tuluyang pagbabago-bago ng panahon.
Araw: Kasalanan nila iyon Ozone. Masyado silang nagpabaya sa kanilang tungkulin.
Ozone: Anong tungkulin iyon Araw?
Araw: Ano ka ba Ozone, hanggang ngayon pa ba naman ay hindi mo pa rin alam ang kanilang ginawa sa iyo. Kaya nga nagkaroon tayo ng pagbabago-bago ng panahon, gaya ng pag-init at minsan ay walang humpay na pag-ulan. Dahil na rin sa ginawa nila sa iyo.
Ozone: Ha, teka. Hindi ko mainitindihan iyon. Maaari bang ipaliwanag mo ito.
Araw: Halika, samahan mo ako sa pagsulyap sa kapatagan ng mundo, at maghahanap tayo ng isang uri ng TAO na siyang dahilan sa tinatawag na “climate change” o madalas na pagbabago-bago ng panahon.
Ozone: Sige nga Araw (Sabay na nagmatyag sa kapatagan sina Ozone at Araw, iginala nila ang kanilang mapang-usisang mata. Parang gusto ng sumuko ni araw dahil wala silang makita)
Ozone: Papaano yan Araw, parang hindi mo maipaliliwanag sa akin ang aking katanungan? (haharap sa mga manonood at magtatanung) Papapayag ba kayo mga bata na hindi masagot ni Araw ang ating katanungan? (hihintayin ang sagot ng bata, kapag hindi sumagot kailangan ulitin)
(parang gusto ng sumuko ni Araw, Sabay hila kay Ozone)
Araw: Halika na Ozone, parang walang mangyayari sa atin dito (ng walang ano-ano ay makaririnig sila ng ingay na mula sa isla, hinanap nila ito ay tiyempo natagpuan din nila)
Araw: Sandali Ozone may naririnig na akong ingay ng “chain-saw” at ito ay tila nagmumula sa isang bahagi ng kagubatang iyon (ituturo ang audience).
Ozone: Ha! Talaga po? Ibig sabihin mga bata malalaman na natin ang isa sa dahilan ng pag-init ng mundo. Makinig sana tayo para maunawaan natin ha!
Araw: Halika dito Ozone may nakita na ako.
Ozone: Talaga po! Sige po makikinig ako, sana makinig din kayo ha! (itinuro ni Araw ang pinagmumulan ng ingay at kaniya itong ipinaliwanag).
Araw: Tingnan mo Ozone, yan ang ginagawa ng tao… Halika makinig tayo sa kanilang pinag-uusapan.
Vincent: Dalian natin ang pagcha-chainsaw sa mga punon ito Pareng Joel baka may makarinig sa atin at makakita dito. Mahirap ng mahuli, baka mapagmulta na naman tayo ng mas malaking halaga.
Joel: Oo nga Pareng Vincent, dalian natin ang paglalagare. Marami-rami na rin pala ang ating naitumbang puno. Sa tingin ko malaki na rin ang ating kikitain.
Vincent: Oo nga, tingnan mo na ito halos nakalbo na natin ang kalahati ng kagubatan. Pare wala ka bang tubig diyan, uhaw-na-uhaw na ako, sobra kasing init ng buong paligid para akong kakapusin ng hininga.
Joel: Alam mo ba pare ang dahilan kung bakit sobrang init ng panahon ngayon? At dahil sa pag-init ng mundo madalas na akong kinakabahan pare?
Vincent: Bakit naman pare? Pag’ hindi natin ito gagawin magugutom ang ating pamilya.
Joel: Nasabi ko lang naman iyon, kasi padalas na ng padalas akong nakakarinig ng mga balita sa radyo tungkol sa patuloy na pagbabago-bago sa klima ng mundo. At isa raw sa dahilan nito ng patuloy na pag-init ng mundo na nagiging sanhi ng tag-tuyot ay ang patuloy nating ginagawa sa kagubatan.
Vincent: Talaga Pare? O nananakot ka lang?
Joel: Ako mananakot! Bakit Pare hindi mo ba naririnig sa radyo, dahil sa patuloy na tag-tuyot, marami ang nadadamay gaya pagka-tuyo ng mga ilog.
Vincent: Wala namang takutan Pare!
Joel: Hindi ako nananakot Pare, katunayan sa Aprika nga, dahil sa tag-tuyot at pagkawala din ng tubig doon eh nagiging sanhi na rin ito ng pagkamatay ng ilang tao na namumuhay doon. Mapalad pa rin tayo dito Pare, may tubig pa.
Vincent: Ha? Ano yon? Hindi ko maintindihan?
Joel: Makinig ka pare… Ganito ‘yon, ang isa sa mga dahilan nito ay ang walang tigil na pagputol na mga tao ng PUNO sa kagubatan, na nagiging dahilan para walang sumipsip ng mga tubig na sana’y ibibigay sa atin. Isa pa, nagiging paraan din ito upang walang sumipsip sa mga usok mula sa lipunan.
Vincent: Talaga, ganoon pala iyon.
Joel: Tumpak, at ang Ozone na siya sanang nagsisilbing tagapagbigay ng tamang init ng mundo ay nabutas naman dahil sa patuloy na paggamit ng tao ng ilang produkto na naglalaman ng ChloroFloroCarbons o CFC.
Vincent: At ano naman naman iyang CFC na yan?
Joel: Ito ay karaniwang makikita sa mga styrofoams, refrigerator at aircon. Kaya ng mabutas ang Ozone dahil sa CFC ay nasira na rin ang nagsisilbing proteksiyon sa pagpapanatili lamang ng tamang lebel ng temperetura ng mundo.
Vincent: Kaya pala paiba-iba na ang klima dito sa atin .
Joel: Ang Ozone kasi ay mistulang payong na humarang sa pagpasok ng init sa ating mundo, at kung patuloy itong mabubutas lulusot sa mundo ang init na ibinibigay ng araw at maaaring tumindi ito dahil hindi na kontrolado ng Ozone o ng payong mundo ang pagharang dito dahil nga sa ito ay butas na.
Vincent: Nakakatakot at nakakaalarma pala ito kaibigang Joel, kaya pala patuloy na rin tayong nakakaramdam ng pag-iinit ng kapaligiran dahil may butas na rin ang ozone.
Joel: Kaya nga ang init ng araw ay patuloy na nakakapasok sa Ozone, hindi na ito kontralado ng Ozone, hindi gaya dati ng hindi pa siya butas ay naibibigay nito ang tamang init at lamig na kailangan lamang ng lahat ng nabubuhay sa mundo.
Vincent: Ganoon ba? Teka pare, ngayon ko lang yata nalaman iyon.
Joel: Kaya nga Pare, siguro mas makakabuti kung gagawa na lamang tayo ng tamang paghahanap-buhay para sa ating pamilya, gaya ng tamang pangingisda at paggugulayan, o pagsasaka.
Vincent: Sa tingin ko tama ka diyan Pareng Joel para naman sa pagdating din ng panahon ay mahilom pa natin ang isa sa sugat ng Mundo at ito ang tuluyang pagkawasak ng Ozone Layer.
Joel: Siguro pare, panahon na para lumahok na rin tayo sa programa ng barangay yun bang Balik Kagubatan, Alay sa Dumaran, na kung saan nagtatanim sila ng mga puno para maipanumbalik ang mga nasirang kagubatan.
Vincent: Sige Pare, maiging maaga pa ay naibahagi mo sa akin iyan. Salamat talaga ng marami ( sila’y tuluyan ng umalis mula sa pusod ng kagubatan)…
Haring Araw: Maaaring narinig at nasaksihan mo na Ozone, ang isa sa tunay na dahilan ng pag-init ng mundo. Butas ka na Ozone! Na sana ay nagbibigay ng tamang timpla ng temperatura ng init at lamig na kailangan lamang ng tao at ng kapaligiran.
Ozone: Salamat po Haring Araw sa inyong ipinasaksi sa akin. Ngayon po ay lubusan ko na ring naunawaan at nalaman ang aking trabaho para sa mundo.
Haring Araw: Dapat lamang na malaman mo ito at malaman din ng tao ang papel na ginagampanan mo para sa mundo at para sa kanila. Ngayong naliwanagan na si Vincent at Joel, sana’y maibahagi din nila ito sa iba para sa kapanatagan ng mundo.
Ozone: Salamat po… O kayo mga bata at mga magulang, sana kapag may mga programa para sa kapaligiran gaya ng pagtatanim ng puno ng puno, at paglilinis ng dalampasigan ay makilahok kayo. Magagawa po ba natin iyon? (hihintayin ang sagot, kapag sumagot na sila sasabihin mong) Salamat po… Salamat!!!
-Tapos na po-

Ang Gulayan ni Mang Goryo (Goryo's Farm) Global Warming
Isinulat ni: Edong Magpayo
Mga Tauhan:
Mang Gorio: May ari ng gulayan na namana pa niya sa kaniyang mga ninuno na nakakaranas sa malaking epektong dulot ng pag-taas ng lebel ng tubig sa kanilang lugar.
Aling Iska: Asawa at kaagapay ni Mang Gorio sa pamamahala ng kanilang gulayan na malapit lamang sa dalampasigan.
Natoy: Anak ng mag-asawang Gorio at Iska na hindi nakapag-aral bunga ng kakapusan sa buhay kaya lumaking nakadepende sa pamilya.
Buboy: Kababata ni Natoy na kapagtapos ng kolehiyo at nagtratrabaho sa isang NGO na ang gawain ay ibahagi ang kaalaman sa usapin ng pagbabago ng klima at pag-iinit ng mundo sa kaniyang mga kababayan.
Dalisay: Kababata ni Natoy at Buboy na isa ng guro sa kanilang lugar.
Ninay: Isang mag-aaral na estudyante ni Dalisay at palagiang naka-buntot sa kaniyang guro saan man ito magpunta.
Ang Tagpo: (Sa gulayan ni Mang Gorio, tahimik ang umagang iyon ng lumabas si Mang Gorio mula sa kanilang tahahan. Papungas-pungas pa ito ng kaniyang mata ng bigla na lamang siyang sisigaw sa makikita.)
Gorio: Iska...Iska...lumabas ka nga rine dalian mo at ano ba itong nangyari sa ating gulayan bakit pinasok ng baha? Umulan ba kagabi ha Iska?
(Lalabas mula sa loob ng bahay si Aling Iska habang itinutupi ang kaniyang balabal sa katawan dahil sa pagmamadaling ulmabas ay madudulas ito)
Aling Iska: Tulungan mo nga muna ako ditong tumayo. Bakit ba naman kay aga-aga e sumisigaw ka, nakakabulabog ka ng mga natutulog pa.
Mang Gorio: Ano ka ba halika nga at samahan mo ako sa gulayan, tingan mo dali ang mga gulayan natin na aanihin na sana ay pinasok ng tubig.
Aling Iska: Ano kamo? Pinasok ng tubig ang ating pananim na gulay! Naku oo nga (mapapasigaw sin si Aling Iska at tatawagin ng pasigaw si Natoy) Natoyyyyy!!! Gumising ka nga diyan at lumabas dine.
Mang Gorio: O akala ko ba ay huwag sisigaw?
Aling Iska: Sino ba naman ang hindi mapapasigaw, tingnan mo naman wala tayong kita dahil sa tubig na iyan. Ano na ang mangyayari sa ating pananim (medyo mapapaiyak si Aling Iska).
(Lalabas naman si Natoy na magulo pa ang buhok at nakatayo habang painat-inat pa)
Mang Gorio: Ano ka ba naman Natoy, patayo-tayo ka pa diyan tulungan mo kami rito ng Ina mo baka maisalba pa ang ating pananim.
Natoy: Opo Ama susunod na po.
Aling Iska: Bakit ba naman nangyari ito sa atin? Saan ba nanggaling ang tubig na iyan?
Mang Gorio: Kaya nga kahit ako ay nagtataka?
Natoy: Ano ba naman kayo Ina, hindi ‘nyo po ba nakikita kung saan galing ang tubig na iyan? Ayun po o (ituturo ang baybay) mula sa tubig na dagat.
Aling Iska: Ano kamo? Saan nagmula ang tubig na iyan?
Natoy: Sa dagat po Ina, mukha pong panahon na yata ng pagtaas ng tubig sa baybay?
Mang Gorio: Paanong nangyari iyon? Eh parang ngayon ko lang yata nasaksihan ito anak? Noong panahong buhay pa si Ama ang Lolo mo 1960 yata iton (sabay kamot sa ulo) eh hindi nangyayari ito? Bakit parang ngayon lang? Biglaan naman yata?
Aling Iska: Napagtataka talaga ito (napapaiyak) tingan mo ang nangyari sa gulay natin bigla na lang nanlata at humalik na sa lupa (hahiwiin ang mata na tila pinupunasan ang luhang pumapatak dito).
Mang Gorio: Tumigil ka na nga diyan Iska (lalapitan at yayakapin) hayaan mo at baka maisalba pa natin ang ilan diyan.
Natoy: Itay mukhang hindi na natin ito mapapakinabangan lahat, tingnan ninyo halos bumagsak ang ating gulayan (ipakikita ang isa sa kaniyang palad na patay na).
Mang Gorio: Oo nga anak, paano na ito Iska ito pa naman ang ating inaasahan.
(Sa di kalayuan ay may matatanaw nilang paparating si Dalisay habang kabuntot naman nito si Ninay isa sa kaniyang estudyante)
Natoy: (Sasalubungin ito ni Natoy) Ang aga naman ng pasok mo?
Dalisay: (Lalapit kina Aling Iska at Mang Gorio si Dalisay at magmamano at sasabay naman dito si Ninay) Magandang umaga po Aling Iska at Mang Gorio. Mahirap na kasing maglakad na mataas na ang sikat ng araw masakit ito sa balat at andali mo pang pagpawisan.
Aling Iska: Bakit mo naman nasabi iyan Dalisay? Bakit naman kami dito sa baybay ay hindi namin ito nararamdaman?
Dalisay: Marahil dahil sa madalas po kayong nabibigyan ng hangin mula sa karagatan.
Ang Gorio: Maiba ako ng usapan ha Dalisay, tutal guro ka naman maaari bang magtanong?
Ninay: (Bigla na lamang sisigaw si Ninay) Ma’am...Ma’am tingan ‘nyo po ito o!
Dalisay: Ano yan Ninay? Ano yang hawak mo?
Nnay: (ipakikita ni Ninay ang isang patay na bunga mula sa gulayan) Ito po o!
Natoy: Iyan marahil ang gustong itanong sa iyo ni Ama Dalisay.
Dalisay: Naku! Ano ang nangyari sa inyong mga pananim?
Aling Iska: Halika Dalisay sumama ka sa amin at tingnan mo ang aming pananim.
Dalisay: Pinasok kayo ng tubig dagat Aling Iska at Mang Gorio, iyan ang gusto kong sabihin kanina kung bakit ayaw kong magpa-tanghali papuntang paaralan.
Mang Gorio: Bakit? Ano iyon Dalisay?
Dalisay: Iyan na po ang epekto ng Global Warming o pag-iinit ng mundo.
Mang Gorio: Ano bang Glubal Warning?
Dalisay: Hindi po Glubal Warning. (babanggitin ng madiin) Global Warming po. Patuloy na po kasing umiinit ang mundo, ang mga yelo sa malalamig na lugar gaya ng North and South Pole ay unti-unti na pong nalulusaw.
Aling iska: Makasabad na nga Dalisay ano kamo yung nalulusaw? At ano naman kung malusaw iyon eh malayo naman tayo sa kanila, di ba?
Natoy: Ama, Ina making na lamang po tayo kay Dalisay dahil naituturo niya po ito.
(sa kalagitnaan ng usapan ay biglang lalabas sa likuran si Buboy)
Buboy: Magandang umaga po sa inyo Mang Gorio at Aling Iska, ganoon din sa iyo bespren at Dalisay. Sino naman itong batang ito (lalapitan at pipisilin ang mukha) Ang kyut.
Dalisay: Estudyante ko iyan Buboy. Musta naman ang trabaho mo? Balita ko nasa isang NGO ka at ang programa ninyo ay ukol sa nagbabagogn klima.
Aling Iska: Teka nga! Pwede mo na bang ituloy ang kwento mo kanina Dalisay? Yung tungkol sa Glubal Warning.
Mang Gorio: Global Warming hindi Glubal Warning. Ay naku ikaw talaga asawa ko (yayakapin).
Buboy: Naku maganda iyan, iyan din kasi ang sadya ko dito. (ituturo ang dagat at yung pagpasok ng tubig sa gulayan ni Mang Gorio) Nakikita ‘nyo po iyon. Iyan na po ang epekto ng sinasabi ni Dalisay na Global Warming.
Ninay: (magpapaalam sa guro) Ma’am pupunta lang po ako doon (ituturo ang kabila ng gulayan)
Dalisay: Sige Ninay, pero huwag pupunta sa malayong lugar ha (tatango ang bata).
Buboy: Makinig po kayo sa amin ni Dalisay Tatay Gorio at Nanay Iska, ikaw din bespren ha para po sa inyo itong sasabihin namin.
Dalisay: Ito na po yung tungkol sa inyong gulayan at sa pagpasok ng tubig dito. Salamat na alamng at andito po si Buboy para magabayan po tayo kung paano makakangkop sa ganitong sitwasyon at kung paano tayo makatutulong sa Global Warming.
Mang Gorio: Sige at makikinig kami sa inyo Dalisay.
Dalisay: Gaya po ng nasabi ko kanina, nalulusaw na po ang yelo sa malalamig na lugar. At apektado po tayo nito, dahil iyan po ang patotoo pinapasok na po ang gulayan ninyo ng tubig dagat.
Aling Iska: Paanogn nangyrai iyon ha Dalisay? Eh mataas naman ang lugar na ito ha?
Dalisay: Mataas nga po, eh kaso madaming tubig sa malalamig na lugar ang patuloy na nalulusaw at ito po ay bumabagsak sa dagat na siyang nagiging sanhi sa pagtaas ng lebel ng tubig dagat sa atign lugar.
Natoy: Kaya pala noon pa man ay napapansin ko na ang unti-unting pagpasok ng tubig sa amign gulayan pero hindi ko ito binigyang pansin.
Buboy: Ang hindi pagsasawalng-kibo natin bespren sa nasaksihan mo ay naging daan kaya nadamay ang inyong gulayan.
Dalisay: Patuloy na nalulusaw ang mga yelo sa lugar na malalamig ayon sa mga siyentista. Kung kaya kapag ito ay tuluyang nalusaw posibleng tumaas pa ang lebel ng tubig sa dagat at lamunin ang inyong gulayan Natoy.
Mang Gorio,
Aling Iska: (magkasabay na magtatanung) Ano na ang mangyayari sa aming gulayan?
Buboy: Makinig po kayo, mayroon po tayong tinatawag na adaptasyon o kung paano tayo makakaangkop sa pag-taas ng tubig sa inyong lugar. At mayroon din pong mitigasyon, ito naman po ay kung paano tayo makatutulong sa isyu ng Global Warming.
Natoy: Ano ba yang mga binabanggit mong adaptasyon at mitigasyon. Hindi ba iyan isang kunsumisyon sa amin nina Ama at Ina?
Dalisay: Ikaw talaga Natoy, making ka na lang muna dahil ang ideyang ito ay pandaigdigang solusyon para sa Global Warming.
Natoy: Paumanhin, medyo balisa lang ako sa sinapit ng aming gulayan.
Buboy: Ang adaptasyon ay sa kung paano tayo makalulugar sa ganitong sitwastyon. Nakikita ‘nyo po ang mataas na bahagi ng inyong lupain na iyon! Pwede po tayong lumipat doon at ipagpatuloy ang inyong gulayan, napag-aralan na rin po ang bahagi ng lupang iyon na pwedeng pagtaniman.
Aling Iska: E ano naman ang mitigasayon anak?
Buboy: Ito naman po ay sa kung paano tayo makakatulong na makabawas sa Global Warming. Iyong bahagi ng lupain ninyo po sa taas ay pwede pa nating taniman ng mga puno para makatulong dito.
Natoy: Ganoon ba, ano ba ang gagawin ng puno para diyan?
Dalisay: Ang tawg sa kanila ay carbon sink, sinisipsip nila ang mga usok na posibleng magpapala sa usaping ito. At nagbibigay sila ng okhigen para sa ating lahat, para tuluyang mabuhay.
Buboy: Dahil kung wala ang mga puno o kagubatan, patuloy na didiretso sa kalawakan ang mga usok na sana ay nasisipsip ng mga puno. Maiipon ito sa itaas at makokontrol nito ang sana’y paglabas ng init ng pumapasok sa mundo.
Mang Gorio: Ganoon ba, ang laki pala talaga ng gawain ng puno. Akala ko ay nagkakanlong lang siya ng tubig at nagbibigay ng sariwang hangin. Yun pala bahagi rin nito ang pagsipsip sa mga usok, naku salaam sa iyo Buboy at Dalisay.
Aling Iska: Hayaan ninyo at sa susunod na araw ay lilipat na kami sag awing itaas non para doon mamuhay at magtanim ng gulayan.
Natoy: Salamat sa inyong dalawa mga bespren, siguro kung hindi kayo tumungo rito ay wala kaming alam na baka sa susunod ng mga araw ay ang bahay na namin ang abutin ng tubig mula sa dagat.
Buboy: wala pong ano man, layunin po talaga namin na ito ay maipaabot sa inyo., para sa inyong kaligtasan at sa inyong kanuhayan.
(biglang papasok si Ninay may bitbit na isang bunga nasariwa pa)
Ninay: Ma’am..Ma’am tingnan ‘nyo po itong nakuha kong ampalaya o berdeng-berde at ang sarap iluto.
(magkakatinginan lahat at lalapit kay Ninay)
Mang Gorio: Oo nga, Saan mo ito nakuha NInay? (ituturo ang dulong bahagi gn gulayan)
NInay: Doon po (sabay-sabay na magtityinginan at tuutngo sa duluhan)
Aling Iska: Hindi lahat ay naapaektuhan ng Glubal Warning.
Natoy: Inay Global Warming po.
Buboy: Oo nga po, at mapakikinabangan nyo pa po iyan Mang Gorio at maibebenta.
Mang Gorio: Ay salamat sa Diyos! Umasa kayo na kami ay lilipat pa din sa itaas na bahaging iyon n gaming lupain. Mahirap ng abutan sa pagtaas ng tubig kung sakali, hindi pa naman ako marunong lumangoy.
Dalisay: (mapapatingin sa orasan) Naku tanghali nap ala, baka mahuli na kami ni Ninay sa klase. Paano po kami ay tutungo na sa paaralan.
Buboy: Ako din po ay pupunta naman sa kabilang barangay para magbigay din ng impormasyon ukol sa Global Warming.
(sabay-sabay na lilisanin nina Buboy, Dalisay at Mina ang lugar, habang papalayo ay nakamsid naman ang pamilya sa kanila)
Aling Iska: Ay mabuti na lamang at andiyan sina Buboy at Dalisay ayun at naliwanagan na tayo ukol sa Glubal Warning!
(sabay na magsasalita ang mag-ama)
Mang Gorio, Mahal! (mapapatingin sa asawa) Global Warming…
Buboy: Ina! (sabay tingin sa anak) Global Warming po!
Aling Iska: Ay oo nga pala Global Warming (at mapapatawa)
-Tapos na Po_

Si Piwi ng Madenggoy (When the Sea Turtle was Captured)
Isinulat ni: EdongDugong Magpayo
Mga Tauhan:
Pipoy – Isang batang may kakulitan subalit matalino at mapagmasid.
Aling Bebang – Mapagmahal na Ina at mapag-aruga.
Mang Bruno – Masigasig na Ama at handang gumawa ng ano man para sa pamilya.
Piwi - Isang batang pawikan na gaya ni Pipoy ay may kakulitan din at minsan ay hindi mapagsabihan.
Ingkong Wikan –Isang matandang pawikan na gumagabay kay Piwi.
Ate Pawi – Ang butihing kaibigan ni Piwi na walang ng ginawa kundi pagsabihan si Piwi dahil sa sobrang kakulitan.
Panimula:
Ang tagpo ay sa isang baybayin ng Cagayancillo, dito nakatira ang pamilya ni Pipoy na anak ng isang mangingisda na ang pangalan ay Bruno na asawa ni Aling Bebang. Isang araw habang papaalis ang Ama ni Pipoy para lumaot ay kinulit niya itong sumama sa kaniya.
At dahil sa pagmamadali binaklas na lang niya ang lalagyan ng shampu na kulay berde na halos ikawasak nito para masimot lamang ang loob at dahil sa paghihikahos na makasama sa Ama hindi na niya inalintana ang pagtapon nito sa lugar na kaniyang pinagliliguan.
Samanatala sa karagatan ay masayang naglalaro si Piwi Pawikan sa lugar ng mga malalagong halamang dagat malapit lamang sa dalamapasigan ng Cagayancillo. Naroon din ang kaniyang itinuturing na ate na si Pawi at si Ingkong Wikan na masayang nagmamasid sa kaniya at gumagabay.
(Maagang nagising si Aling Bebang habang pupungas-pungas pa na nag-iinit ng tubig para sa kape ni Mang Bruno at sa palikuran naman ay naroon si Pipoy na naliligo at maririnig ang paggising sa kaniyang Ama.)
Aling Bebang: Bruno gumising ka na nga diyan at baka hindi ka na naman makasalok ng isda sa dagat! Tingnan mo at wala na namang lamang bigas ang ating lalagyan, itong kape mo papaubos na at ang daing naman tatlong piraso na lang, tamang-tama na lang sa atin ito ah!
(subalit parang hindi ito iniinda ni Bruno, kaya’t lalapitan siya nito para gisingin)
Aling Bebang: Hoy sinabi ng gumising ka na diyan at napag-iwanan ka na ng mga kapitbahay nating mangingisda!
Mang Bruno: Oo gigising na, (lalambingin ang asawa) ikaw talaga ang aga-aga eh ang ingay-ingay mo (sabay halik sa asawa). Sige ihanda mo na ang kape ko at ako ay papalaot na.
Pipoy: (maririnig ang tinig ni Pipoy sa palikuran) Itay, itay… Sabado po ngayon wala akong pasok sasama po ako sa inyo (kung kaya sa sobrang pagmamadali ay naitapon na lamang niya sa pinaliliguang lugar ang pinaglagyan ng kaniyang shampu).
Aling Bebang: Hindi ka sasama, dito ka lang at tutulungan mo akong mag-ayos ng mga lambat.
Pipoy: (tatakbo sa Ina ay yayakapin ito ng may paglalambing) Sige na po Ina payagan na ninyo ako, minsan lang naman po ito.
Aling Bebang: Ay naku manang-mana ka talaga sa iyong Ama.
Mang Bruno: Ikaw talaga Bebang papayagan mo rin pala andami mo pang pasakalye.
Aling Bebang: Ay naku sige na nga at tapusin mo na ang pagkakape at tumataas na ang sikat ng araw.
Mang Bruno: Oo mahal ko.
Pipoy: Itay nakahanda na po ako, bitbit ko na rin po ang dalawang daing na natira para sa ating pagkain.
Mang Bruno: Sige anak lalakad na tayo, Bebang aalis na kami.
Aling Bebang: O siya mag-iingat kayo ha. At ikaw Pipoy wag kang magiging makulit sa Tatay mo ha.
(Nasa kalagitnaan na sila ng karagatan ay sabay ng mag-ama na ibinagsak ang lambat at habang nag-aantay sa pagbigat ng kanilang lambat ay inaayos naman ni Bruno ang lambat na sira at si Pipoy naman ay nagmamasid lamang sa ginagawa ng Ama. Sa ilalim naman ng karagatan ay pinapayuhan nina Ingkong Wikan at Pawi si Piwi na wag lalayo sa kanilang paningin, subalit dala ng kakulitan ay hindi niya ito pinansin)
Ingkong Wikan: Piwi ikaw na bata ka kapag nag-aaral kang lumangoy huwag na huwag kang aalis sa aming tabi ha.
Piwi: Bakit po Ingkong Wikan? Wala namang ibang nilalang dito maliban sa atin kaya okey lang po.
Ate Pawi: Ikaw nga Piwi kapag pinagsasabihan ng ka Ingkong Wikan ay makinig ka, dahil iyon ay para rin sa kaligtasan mo.
Piwi: Bakit po Ate Pawi? Gaya ng nasabi ko po, tayo lang naman dito at isa pa kabisado ko po ang galaw ng dagat.
Ingkong Wikan: Iyon ang akala mo anak, dahil minsan nag-iiba ang galaw ng dagat lalo na’t kung may taga-lupa na tumutungo dito sa ating lugar.
Ate Pawi: Ano ka ba Piwi sinabi ng makinig ka sa amin ni Ingkong Wikan (pupuntahan si Piwi at pipingutin).
Piwi: Aray ko po Ate Pawi, opo makikinig na po…
(habang namimitas ng mga halamang dagat sina Ingkong Wikan at Pawi ay nagpatuloy naman sa pag-aaral si Piwi sa kaniyang paglangoy at dahil sa kakulitan ay napalayo ito sa mata ng kaniyang mga kasama. At habang lumalangoy siya ay mayroon siyang mamamataan na isang maliit na bagay na kulay berde na dinadala ng alon sa ilalim at sinalubong niya ito)
Piwi: Ay ang suwerte ko naman pagkain pa ang kusang lumalapit sa akin, samantalang sina Ingkong Wikan at Ate Pawi ay namimitas pa ng halaman. Matikman nga, ang sarap ng lasa.
(dahil hindi alam ni Piwi kung ano ang kaniyang kinain ay nakaramdam siya ng pagka-hilo at nawalan ng malay kaya tinangay siya ng agos)
Ingkong Wikan: Pawi nakita mo si Piwi? Bakit bigla na lang nawala ang batang iyon?
Ate Pawi: Iyan na nga ba ang ang sinasabi ko eh!
Ingkong Wikan: Huwag ka ng magalit, ang mahalaga hanapin natin siya.
Ate Pawi: Sige po at baka kung san pa nagtungo ang batang iyon, ay naku ang hirap kasing pagsabihan. Ang mga bata talaga ngayon.
(samantalang sa ibabaw ng dagat ay nakaramdam naman ng paggalaw ng lambat ang mag-ama)
Pipoy: Ama…Ama mukhang mayroon ng pumasok sa ating bitag.
Mang Bruno: Sige anak tulungan mo akong hilahin dali…
Pipoy: Ama may mga isda na nga, yahu! Pero teka Ama, parang may malaki tayong huli. Ayun o!
Mang Bruno: Asan anak?
Pipoy: Ayun Ama kulay kape ang laki.
Mang Bruno: Alin anak? Ito ba? Hindi ito isda anak, isa itong batang pawikan. Pero may kalakihan na rin, okey ito anak masarap ito at malaki-laki ang kikitain natin dito, lalo na yung kaniyang bahay maibebenta natin ito ng malaki.
Pipoy: Ha? Ama huwag po! Kawawa naman, tingnan ninyo parang tulog lang siya eh.
Mang Bruno: Ano ka ba! Sa atin hindi ka naaawa? Okey ito anak, sumunod ka na lang sa akin.
Pipoy: Pero Ama, sabi po ng aming guro sa paaralan ay isa na raw po sa nanganganib ng mawala ang mga uri ng hayop na iyan. At malaki raw po ang papel niyan sa dagat.
Mang Bruno: Anong papel-papel? Bakit ano bang sabi ng guro mo?
Pipoy: Sabi po ng guro ko, isa daw po ang pawikan sa taga-kain ng halamang dagat at ang iiniitlugan niyang buhangin ay nakapag-iiwan po siya doon ng pataba sa lupa. At kung mawala daw po ito ay maaaring may malaking epektong maidudulot sa ‘di tamang pagbalanse ng kapaligirang karagatan.
Mang Bruno: Ganoon ba anak, hindi ko alam iyon ah! Sandali tingnan nga natin kung ano itong nasa bibig niya.
Pipoy: Bakit po? Ano po iyon Ama ko?
Mang Bruno: May tila plastik na nakaipit sa kaniyang bibig. (unti-unting hihilahin ito ni Mang Bruno habang nakamasid ang anak at kapwa sila magugulat sa nakuha)
Pipoy: Naku Ama, ano po iyan?
Mang Bruno: Plastik ng shampu anak. Naku gaya ng nasabi mo anak kanina, kumakain siya ng halamang dagat, baka napagkamalan niyang damong dagat ito at kaniyang kinain.
Pipoy: Naku Ama kawawa naman siya, magigising pa kaya siya (tila naiiyak na si Pipoy)
Mang Bruno: Maaaring galing ang basurang plastik na ito sa baybay?
Pipoy: (napaisip si Pipoy) Naku Ama baka sa akin po iyan kasi kanina naligo ako at naitapon ko sa palikuran ang plastik ng shampu, kasalanan ko po iyan (naiiyak).
Mang Bruno: Hindi Anak,hindi mo kasalanan dahil kanina lang naman iyon. Kasi ito halatang matagal na dahil sa luray-luray na siya.
Pipoy: Ganoon po ba Ama! Hindi ko na po uulitin ang pagtatapon ng basura kung saan-saan lang para hindi pa ako makadisgrasya ng buhay na gaya niya. Sasabihin ko rin ito sa aking mga kalaro Ama. At mamaya Ama babalikan ko ang plastik doon sa palikuran, tiyak ko andoon pa siya at ilalagay ko sa basurahan.
Mang Bruno: Anak, tingnan mo tila nagkakamalay na ang batang pawikan. Dumidilat na ang kaniyang mga mata.
Pipoy: Talaga Ama! Ayan nabubuhay na siyang muli (naiyak si Pipoy) akala ko kasi tuluyan na siyang mamamatay Ama.
Mang Bruno: Maaaring nawalan lang siya ng malay kanina dahil sa plastik na ito at mabuti na lamang at naagapan agad natin na matanggal anak.
Pipoy: Ibabalik na po ba natin siya Ama sa dagat? Baka kasi inaantay na rin siya ng kaniyang pamilya gaya ko kapag ako ay ginagabi sa panunuod sa ating kapitbahay.
Mang Bruno: Tama anak ibabalik na natin siya sa kaniyang tahanan, ang dagat. At tayo naman ay babalik na sa baybay dahil marami-rami na rin ang ating huling isda at tiyak ko na ikatutuwa ito ng iyong Ina, may pambili na tayo ng bigas, kape at ulam.
(kinuha ng mag-ama si Piwi at sabay na ibinalik sa dagat, sa ilalim naman nito ay pabalik na sina Ingkong Wikan at Pawi na tila nawawalan na ng pag-asa sa paghahanap kay Piwi, pero magugulat na lamang sila dahil maaabutan nila si Piwi malapit sa pinagkukunan nila ng halamang dagat)
Ingkong Wikan: Pawi, Pawi! Tara dito, nakikita mo ba ang nakikita ko. Ayun ang batang pawikan nakakapit sa may damong dagat.
Ate Pawi: Oo nga po, ay naku ang batang ito andito lang pala pinahirapan pa po tayo sa paghahanap sa lawak ng dagat.
Piwi: (lalapit kay Ingkong Wikan at Pawi sabay yayapusin ito ng mahigpit) Patawad po sa inyo, hinding-hindi ko na po uulitin. (maiiyak si Piwi habang pinapahid ang luha sa mata) Patawarin nyo po ako, susundin ko na po inyong mga aral Ingkong Wikan at Ate PAwi (yayakapin din siya nito habang tinatanaw ang bangkang papalayo na gamit nina Pipoy at Mang Bruno, tatayo siya at haharap sa mga manunuod).
Piwi: Mabuti na lamang at natulungan ako ng mag-amang mangingisda,kung hindi baka tuluyan na akong nadenggoy ng plastik ng shampu na akala ko ay pagkaing halamang dagat. Salamat sa kanila.
Kaya kayo mga bata iwasan na ang pagkakalat ng basura ha. Sana ang basura ay ilagay sa tamang lalagyan. Ako naman ay makikinig na sa aking mga magulang, at kayo rin makinig sa mga parangal ng mga nakakatandan sa inyo ha, at alam ko si Pipoy naman ay mag-iingat na rin sa pagtatapon ng basura. Paalam Po!

Ang Paglalayag ni Kapitan Barongoy (the Adventure of Flying Fish)
Sinulat ni: EdongDugong Magpayo
Mga Tauhan: Kapitan Barongoy, Lolo Lapu-lapu, Pawikan, Indong, Mameng, Maya-maya, Talakitok, Iskubasurero at Bata.
Panimula: Ang tagpo ay sa nalalabing korales o bahura sa hilagang Mindanaw, at sa loob nito ay malayang nagpapahinga si Lolo Lapu-lapu. Nang walang ano-ano’y makakarinig siya ng isang sigaw mula sa di kalayuan malapit sa kaniyang kinalalagyan. Dito ay biglang bubungad si Pawikan, pagod na pagod at tila nauutal sa pagsasalita.
Pawikan: Lolo Lapu-lapu…Lolo Lapu-lapu, nandiyan na naman po ang mga taong nais sumira ng ating tahanan!
Lolo Lapu-lapu: (mapapatayo si Lolo Lapu-lapu) Ano kamo? Sino ang nariyan?
Pawikan: Yung mga tao pong sisira ng ating kanlungang bahura, parating na naman po!
Lolo Lapu-lapu: Ganoon ba. Naku maaari bang hanapin mo si Kapitan Barongoy upang ito’y ating mapag-usapan.
Pawikan: Opo (mabilis na lumangoy si Pawikan para hanapin si Kapitan Barongoy at makikita niya ito na namamahinga sa isang lugar)
Kapitan Borongoy: Ano’t parang takot na takot ka Pawikan?
Pawikan: Pinatatawag po kayo ni Lolo Lapu-lapu at tayo raw po ay magpupulong ukol po sa nalalapit na pagkawasak ng ating huling kanlungang bahura.
Kapitan Barongoy: Ganoon ba... Halika na at sabayan mo ako sa aking paglangoy.
(naabot din nila ang Kapitan Barongoy at Pawikan ang lugar kung saan naroon at naghihintay si Lolo Lapu-lapu at ang ilan pang pamilya ng mga yamang-dagat)
Lolo Lapu-lapu: Ipinatawag kita Kapitan Barongoy, upang ipakiusap sa iyo na maghanap ng ating panibagong kanlungan, dahil ayon na rin kay Pawikan nasaksihan niya ang muling pagsalakay ng mga illegal na mangingisda patungo dito sa ating huling kanlungang bahura.
Kapitan Barongoy: Ganoon po ba! Sige po susundin ko po ang inyong kahilingan.
Indong: (nagpapa-kyut na babati kay Kapitan Barongoy) Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay sa karagatan Kapitan Barongoy.
Kapitan Barongoy: Gagawin ko ang ibayong pag-iingat Indong
Mameng: Hindi ka ba magpapasama kaibigan?
Kapitan Barongoy: Ako na lamang bantayan ‘nyo na lamang Mameng ang ating mga kasamahang yamang dagat dito.
Maya-maya: Huwag mong pabayaan ang sarili mo Kapitan Barongoy.
Kapitan Barongoy: masusunod po Tita Maya-maya, ah Talakitok maging mapagmasid ka at Pawikan magbantay ka sa paligid ha at Mameng mag-ikot-ikot sa bahura at makiramdam ha.
Talakitok, Mameng
At Pawikan: Masusunod Kapitan Barongoy, mag-iingat ka sa iyong paglalayag.
Talakitok: Asahan mo ang aming dalangin sa iyong paglalayag sa kabuoan ng karagatan.
Lolo Lapu-lapu: Gabayan ka nawa ni Bathala.
(at bumulusok pailalim si Kapitan Barongoy, at habang malayo-layo na rin ang kaniyang nalalangoy ay hindi pa rin niya nakikita ang lugar ng bahura na maaari nilang maging bagong tirahan. Dito’y parang nawawalan na siya ng pag-asa)
Kapitan Barongoy: Halos nalibot ko na ang karagatan ng Mindanaw, nagalugad ko na ang buong Visaya at binaybay ko na ang anyong tubig ng Luzon pero parang wala na akong makitang malusog na bahura. Ano ang gagawin ko? Sa akin sila umaasa na mailigtas namin ang aming lahi, pero paano?
(halos nanlumo na sa karagatan si Kapitan Barongoy at parang susuko na siya, kaya nagdesisyon na lamang siyang bumalik sa kanila. Habang pabalik na siya sa isla ay makakarinig siya ng malakas na tinig at kasiyahan. Dagli siyang napasulyap at pumaimbulog paitaas sa isang uri ng isla na pinagmumulan ng tinig)
Kapitan Barongoy: Hayun isang isla na may malagong bahura. Anong isla kaya ito at saan ito napapabilang?
(pumuwesto muna si Kapitan Barongoy sa isang korales, habang minamatyagan ang mga kilos ng mga naroon at pinakikinggan ang mga pinag-uusapan)
Iskubasurero: Dito po, dito po ang lugar ng korales na ating lilinisan.
Kapitan Barongoy: Korales, linis, maglilinis sila ng korales. Anong lugar ito?
Iskubasurero: Mabuhay po at narito na naman po tayo sa ating programang Korales Linis, Basura Alis , isang programa na ginagawa natin tuwing buwan ng Hunyo. Sa ating mga bisita ikinalulugod po namin na kayo ay nakarating sa bayan ng Cagayancillo.
Kapitan Barongoy: Cagayancillo, ito pala ang madalas kong marinig na lugar kay Lolo Kuwago, tama ito ang lugar na maaari naming paglipatan dito na kami mamamalagi at magpapatuloy na magparami ng angkan. Lalangoy na ako at babalik sa kanila upang ibalita ang aking nasaksihan.
(naabot na ni Kapitan Barongoy ang lugar, habang maabutan niyang nag-aantabay sa kaniyang pagdating ang kaniyang mga kapamliyang yamang dagat)
Lolo Lapu-lapu: Maligayang pagbalik Kapitan Barongoy!
Kapitan Barongoy: May nakita na po ako Lolo Lapu-lapu at ang lugar na iyon ay ang madalas ninyong mai-kuwento sa amin noong kami mga bata pa lamang.
Maya-maya: Anong lugar iyong Kapitan Barongoy?
Pawikan: Maganda po ba doon?
Mameng: Malawak ba ang bahura doon Kapitan Barongoy?
Talakitok: Nakaseseguro ka ba sa ating kaligtasan doon Kapitan Barongoy?
Lolo Lapu-lapu: Kayo talaga, hayaan ‘nyo ng si Kapitan Barongoy ang magsalaysay.
Kapitan Barongoy: Salamat po Lolo, maganda at ligtas ang lugar at malawak ang korales. At higit sa lahat nagkakaisa ang mga tao para pangalagaan ang kanilang karagatan, at ito ay ang bayan ng Cagayancillo.
Indong: Talaga!
Maya-maya: Naku kailangan na nating tumungo doon!
Pawikan Tama, bago pa tayo abutan ng mga ilegal na mangingisda.
Mameng: Ano pang hinihintay natin?
Lolo Lapu-lapu: Huwag kayong padalos-dalos, kailangan pa ring magpahinga ni Kapitan Barongoy. Bukas bago pa lang pumutok si Haring Araw ay sabay-sabay nating gagamitin ang ating mga palikpik at buntot patungo sa isla, ang Cagayancillo.
(kinaumagahan ay sabay-sabay na naglayag ang pamilya ng mga yamang dagat, at matapos ang mahabang paglalakbay ay natunton din nila ang lugar… subalit matapos lamang ang ilang linggo nilang paninirahan sa lugar ay makakarinig sila ng isang malakas na pagsabog ng dinamita BOOOMMM!!! At dito’y nagpatawag agad ng pulong si Lolo Lapu-lapu)
Patutunugin ang pagsabog ng dinamita, BOOOOMMM!
Lolo Lapu-lapu: Pawikan tawagin lahat nang ating mga kasama.
Pawikan: Opo!
(makalipas ang ilang minutong paghahanap ay nakabalik na ang lupon ng mga isda, maliban sa isa)
Maya-maya: Bakit po kayo nagpatawag ng pulong Lolo Lapu-lapu?
Mameng: May problema po ba?
Indong: Teka ‘bat kayo lang ang narito, nasaan si Kapitan Barongoy?
Lahat: Oo nga nasaan si Kapitan Barongoy?
Talakitok: Naku! Baka tinamaan siya sa pagsabog ng dinamita na aking narinig kanina?
Lolo Lapu-lapu: Hanapi ninyo si Kapitan Barongoy, ngayon din!
Lahat: Masusunod po Lolo Lapu-lapu…
(at sa di kalayuan ay may isang batang bulag na naglalakad sa baybaying dagat, may hawak na tungkod pang-gabay sa kaniyang nilalakaran at ng walang ano-ano’y mat matatapakan siya)
Kapitan Barongoy: Aray!!! Aray, bata tulungan mo ako.
Bata: (magugulat) Sino ka?
Kapitan Barongoy: Natapakan mo ako Bata, ako si Kapitan Barongoy.
Bata: Barongoy? Bakit ka nagsasalita kung isda ka?
Kapitan Barongoy: Kailangan kong magsalita para masundan mo ang aking tinig Bata.
Bata: Bakit? Anong nangyari sa iyo?
Kapitan Barongoy: Nahagip ako mula sa sumabog na dinamita na galing sa isang dayuhang mangingisda na pumunta dito sa inyong lugar.
Bata: Ganoon po ba. Naku ipinagbabawal iyon sa aming lugar.
Kapitan Barongoy: Huwag kang mag-alala bata nahuli na din siya ng mga Park Ranger at kasalukuyan na siyang nakakulong.
Bata: Buti naman (kakapain ang Isda) sandali, hahanap ako ng halamang gamot mula sa katawan ni Danaya.
Kapitan barongoy: Sige aantayin kita Bata.
Bata: (pagbalik ng Bata mayroon na siyang dalang gamot na likas) Heto piniga ko ang dahon ng halamang dagat inumin mo ito at ikaw ay gagaling. Uminom ka din ng tubig mula kay Alena, para tuluyan mong mabawi ang iyong lakas. At maya-maya lamang sa pamamagitan ng init ni Perena ay ibabalik niya ang iyong sigla, at pagkatapos nito ay tutulungan ka naman ni Amihan na bigyan ng hangin ang iyong katawan.
Kapitan Barongoy: Salamat Bata, ramdam ko na ang pagbabalik ng ibayo kong lakas, maaari na akong lumangoy sa dagat.
Bata: Halika tutulungan kita (kukunin ng Bata si Kapitan Barongoy at ibabalik sa tubig), ayan makakalangoy ka ng muli.
Kapitan Barongoy: Salamat bata, mayroon akong iiwan sa iyong gantimpala, nawa’y magpatuloy pa ang kabaitan ng isang Batang gaya mo. Salamat Bata!!!
Bata: (mapapapikit at kukusutin ang mga mata) Ha! Nakakakita na ako, nakakakita na ako… Salamat Kapitan Barongoy, Salamat!
(at muling nakabalik sa lupon si Kapitan Barongoy at ibinahagi niya ang karanasan sa pagkakahagip sa kaniya ng dinamita at sa pagkakahuli ng mga Park Ranger sa gumamit nito, ikinuwento din niya ang kabaitan ng Batang bulag na tumulong sa kaniya)
Kapitan Barongoy: Nailigtas po ako ng isang Batang bulag ng ako ay mapadpad sa baybay bunga ng pagkakahagip ko sa dinamitang sumabog, nahuli naman po ng mga Park Ranger ang naghagis ng dinamita sa dagat.
Lolo Lapu-lapu: Mabuti naman at ligtas ka Kapitan Barongoy, hindi nga tayo nagkamali sa lugar na ito na kung saan ang pagpapatupad sa mga batas pang-karagatan ay isinasa-puso at isinasa-diwa.
Lahat ng yamang
dagat: Salamat sa inyo, sana’y magpatuloy ang pangangalaga at pagprotekta ninyo sa amin. Dahil kami at kayo ay nilikhang magkakasama at magkakaugnay sa mundong ito. Salamat!

Ang Magkakaugnay (The Web of Life)
Sinulat ni: EdongDugong Magpayo
Mga Tauhan: Lolo Kuwago (ibon), Amihan (hangin), Danaya (tubig), Perena (araw), Ali-taptap (insekto), Kamagong (puno), Alena (lupa), Barakuda (isda), Hator (isang ilegalista) at si Inang Kalikasan (diwata ng mundo), Kora-Korales (korals), Kawayan (damo), EdongDugong (mamalya), Bayawak (reptilya), Bulate (organismo), at si Pawi-Pawikan (ampibyans).
Panimula: Ang tagpo ay sa isang lugar na malayo sa kabayanan, at ito ay nasa loob ng kagubatan na napapalibutan ng ibat-ibang bahagi ng ekosistema. Malayang nag-uusap ukol sa kahalagahan ng papel na dapat gampanan ng bawat-isang may buhay sa isang ekosistema o kapaligiran.
(Nasa entablado na ang lahat, at ang bawat-isa ay may kaniya-kaniyang posisyon at lugar, at isa-isang magsalita. Kapag tapos na ang pagsasalita ang bawat-isa, lalabas siya o babalik sa likuran ng establado. At kung tapos na ang lahat, isa-isa na silang lalabas at sabay-sabay na babanggitin ang mga huling kataga na nasa dulong bahagi ng iskrip na ito. Unang papasok si lolo Kuwago, dahan-dahang umiikot ang paningin sa mga nanonood at biglang sasambitin ang kaniyang kataga)
Lolo Kuwago: Ako si Lolo Kuwago, ang kinatawan ng mga ibon mula sa kagubatan ng Palawan. May katandaan na rin ang dating pero ang puso at isip ay nakalaan lamang sa pagpapayo sa aking mga kalahing ibon, kung paano sila ay tuluyan pang magparami.
Dahil sa katayuan ng aming buhay ngayon, ang iba sa amin ay sinisila at ang iba ay ginagawang libangan sa pamamaril. Kung tuluyan kaming maglaho sa balat ng kapaligiran, sino pa ang magbubudbod ng mga buto ng puno sa kagubatan upang sila ay tuluyan pang dumami at lumago? (lalabas na si lolo Kuwago at siya namang pasok ni Amihan).
Amihan: Tama si Lolo Kuwago, ako nga pala si Amihan ang kinatawan ng hangin sa buong sanlibutan. Gaya ng pangangailangan ni Lolo Kuwago sa akin upang siya ay makapaglayag sa kalawakan, alam kong mas higit na kailangan rin ako ng TAO dahil isa ako sa elemento ng mundo na nagbibigay buhay sa sansinukob, gaya mo bata, ako ang hangin ako ang buhay! (lalabas si Amihan at papasok si Danaya).
Danaya: (papasok na isinasalarawan ang tubig, pinaaalon ang dalawang braso) Gaya ni Amihan, isa rin ako sa elemento ng mundo at pangunahing pangangailang rin ng tao at lahat ng may anyong buhay sa daigdig. Alam ‘nyo ba na ang mundo ay tinawag na planetang tubig, dahil 71% poresiyento na kumukumot dito ay tubig, at sa kabuuan 1% lamang dito ng ating pangangailang tubig tabang ang nakapaloob sa mundo? Kaya kung ako’y pababayaan ninyo tubig ng buhay ay mawawalay.
Perena: (papasok na mabagsik ang paningin sa mga nanonood, bago magsalita ay ipakikitas galaw ang pagiging apoy ni Perena) Ako ang apoy, ako si Perena isa sa pinakamabagsik na elemnto ng mundo. Gaya ni Alena at Amihan, kinakailanagn din ako ng lahat ng may buhay sa mundo, ako ang enerhiya na nagbibigay lakas at sigla sa lahat ng narito sa mundo. Huwag ninyo lamang akong gagalitin, mas mabalasik ang balik ng aking ganti.
Alena: (papasok na may maamong mukha habang pasalubong na pakrus ang braso ng paulit-ulit) Kilala nyo ba ako mga bata? (hintayin muna ang sagot ng mga bata bago sumagot) Ako ang kumakatawan sa lugar na kinatutuntungan ninyo ngayon. Ako si Alena, ang lupa ng mundo. Hindi gaya ni Danaya, maliit lang ang nilalatagan ng aking katawan sa daigdig at ito ay nasa 29% lamang. Ngunit bilang isa sa bumubuo ng elemento ng mundo, malaki ang papel na aking ginagampanan para sa lahat sa inyo, maging ito ay may buhay o wala lahat kayo ay kumakanlong sa akin.
Ali-Taptap: (papasok na may ngiti sa mukha habang bukas-sara ang dalawang palad na ibinubuga sa mga manonood) Sila ang mga elemento ng mundo na kailangan nating lahat. Ako naman si Alitaptap, kumakatawan sa sanlaksang lahi ng mga insekto sa daigdig. Maliit man kaming tingnan, ngunit malaki ang aming kaugnayan sa patuloy na pag-ikot ng magandang ekosistema o kapaligiran ng mundo, nagiging pagkain sa ilang may buhay sa daigdig ang aming pagkatao at kapag naglaho ang ilan sa amin sinisiguro kong makakaapekto ito ng malaki sa ugnayan ng lahat ng may buhay dito.
Kam-Kamagong: (papasok na nakataas ang isang braso at ang isa ay nakababa at gumagalaw ng dahan-dahan, at ang anyo ng mukha ay matapang. Pupunta sa sentro ng entablado) Nakapapangamba ang aming kalagayan sa ngayon mga bata, dahil sa walang habas na pagsira sa aking mga ka-uri, kilala ba ninyo ako? (maglalakad na parang nag-iisip habang nagmamatyag sa mga batang nanonod)
Ako ang bumubuo sa malagong kagubatan ng mundo. Ako si Kam Kamagong, tumatayong pangulo sa lahat ng uri ng puno, tinatawag din nila kaming banga ng mundo dahil sa kakayahan naming kumipkip o mag-imbak ng tubig sa pamamagitan ng pagsipsip ng aming ugat mula sa tubig ulan na bigay ni Alena.
Bari-Barakuda: (papasok na tatayo sa sentro ng entablado, at biglang igagalawa ang dalawang braso na magkadikit ang palad habang lumalangoy na parang isda) Kilala ‘nyo ba ako mga bata? (hintayin ang sagot) ako si Bari Barakuda kumakatawan sa pamilya ng mga isda sa kanlungan ni Alena. Pero dahil sa kondisyon ni Alena sa ngayon, kami’y nangangamba sa maaring maganap sa amin, maaari kasing kaming madamay kung patuloy ang pagwasak ng ilang tao sa kapaligiran tubig ni Alena. Sayang kung kami tuluyang madadamay TAO, dahil alam nyo bang sa 100% na kailangang protina ng tao 65% ay mula sa amin..
Kora-korales: (papasok paglabas ni Barakuda, tatayo sa sentro ng entanlado at uupo ng pasalampak at i-aarte ang anyo ng korales at magsasalita) Pamilyar ba kayo mga bata sa kung sino ako? Kung hindi ako’y magagalit. Joke lang! Ako si Kora-Korales, nakalulungkot mang sabihin, pero alam ninyo bang nasa 5% na lamang kaming mga bahura o korales na nasa magandang kondisyon. Dahil na rin sa patuloy na paggahasa sa aming kahinaan. Alam ‘nyo bang kung patuloy pa kaming mawala sa kanlungan ni Alena, mawawalan na rin ng tirahan sina Barakuda at mahihirapan na rin silang magparami. Paano na kayo mga bata? Paano na ang protinang kailangan ng inyong katawan?
Karl-Kawayan: (papasok na umaalon-alon ang katawan habang nakataas ang dalawang magkahiwalay na braso, at tutungo sagilid ng entablado) Maghulaan muna tayo mga bata (hintayin ang sagot), alam nyo bang ako na si Kawayan ay siyang pinakamalaking uri ng damo sa mundo? Tama ba o mali? Ka-uri ba ako ng mga damo? (hintayin ang sagot). Tama, ako nga ang pinakamataas na uri na damo, at alam nyo bang ang buong lahi naming mga damo ay malaki ang kapakinabangan ng lahat ng may buhay dito sa mundo? Mula sa tao, reptilya, insekto, ibon, hayop at maliliit na organismo ay nakikinabang sa aming kakayahan.
EdongDugong: (isang medyo may katabaan na karakter ang papasok at sesentro sa gitna) Isa ako sa kinapapangambahang mawala sa kapaligiran ni Alena, at ang sabi nga ng iba nanganganib na rin daw ang aking buhay. Isa lamang ako sa pamilya ng mga mamalya na kumakatawan sa kanila. Kapag ako ay tuluyang mawala, ang halamang dagat na pangunahing kong kinakain ay baka tuluyang dumami sa pusod ni Alena at ito ay magiging dahilan ng tuluyang pagkasira ng balanse sa ekosistema sa baybayin ni Alena. Tulungan sana ninyo ako bata!
Bok-Bayawak: (isang payating bayawak na may kaitiman ang papasok sa entablado) Kilala nyo marahil ako mga bata? Kilala nyo ba ako? (antayin ang sagot ng mga bata) Ako ang madalas na kinatatakutan ng Tao, pero ang hindi lamang nila alam mabait din ako (tama ba mga bata), yun nga lang huwag sana ninyo kaming sasaktan. Dahil iba rin kapag kami ang nagalit (tama ba mga bata). Okey, ako nga pala si Boy-Bayawak, dinadala ko ang buong pamilya ng mga reptilya gaya ng ahas at buwaya.
Buboy-Bulate: (papasok na pinagagalaw-galaw na parang alon ang isang braso habang papalapit sa sentro ng entablado) Mga bata alam nyo ba kung nao ang ginagawa ko? (antayin ang sagot) Pero kilala nyo naba ako? (antayin ang sagot muli) Ako si Buboy-Bulate, kumakatawan sa lahat ng oranismo partikular sa madilim na bahagi ni Danaya. May malaking papel ako sa tinatawag na “food chain” o maging sa “food web” yun bang lahat ng bagay ay magkaka-ugnay. Pero kung kami ang mawala, tinitiyak kong madadamay ang buong may buhay na nag-uugnayan sa mundo.
Pawi-pawikan: (malungkot na parang maluha-luha na papasok sa entablado) Isa ako sa grupo ng mga “ampibyans”, yun bang maaaring mabuhay sa kapaligiran ni Alena at Danaya. Kilala na rin ba ninyo ako mga bata? (antayin ang sagot), okey! Ako so Pawi-Pawikan, kapamilya ng mga pagong at palaka. Pero alam nyo bang isa na rin ako sa nanganganib mawala sa kasaysayan ng mundo, dahil na rin sa walang patumanggang pang-huhuli sa akin. Papayag ba kayo mga bata, na sa libro na lamang ako makikita ng mga susunod na kabataan sa mga panahong darating? (anatayin ang tugon) Kung ganoon tulungan ninyo ako ha.
(Pagkatapos ng lahat na makapag-salita. Isa-isa naman silang lalabas ng entablado, kailangan hiwa-hiwalay sila ng lugar at nakahinto sa anyong mga galaw nila kanina. Dito’y papasok si Hator mabalasik ang itsura at nakakatakot kung tumingin at matikas kung kumilos. Lalapitan niya at sisilaban si Kamagong na ikapanghihina nito at tuluyang pagbagsak ng katawan hanggang sa mamatay, pagkatapos nito kailangang maipakita at maipadama sa mga manunuood ang pagkasunod-sunod na pag-kamatay din ng bawat isa sa kanila)
Hator: Hindi ko na kailangang itanong sa inyo kung sino ako. Madalas nyo akong mapanood sa Enkantadia, ngayon nandito ako sa inyong harapan upang gunawin at sirain ang mga nilikhang ito na nag-uugnay-ugnay sa mundo para ang katulad ninyong mga nilalang ay wala ng mapakinabangan, magpakailanman hahahahahahaaha!!! Dahil masyado na rin lang kayong ganid sa pagsira nito, ako na ang magtatapos nito….
(lalapit na siya kay kamagong, habang si kamagong ay takot-na-takot at ang iba naman ay nanginginig sa pangamabang gawin talaga ito ni Hator)
Hator: Ako ang si Hator ang Hari ng kasamaan, tagapag-bulong sa mga tao upang sirain ang kalikasan ni Imang Kalikasan. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa kailangang unahin ko ng patayin ang ugat ng lahat si Kamagong!
Kam-Kamagong: Huwag maawa ka sa amin, kapag ginawa mo iyan ay madadamay lahat ng nag-uugnay-ugnay sa akin Hator. Maawa ka, maawa ka sa amin at sa Tao.
Hator: Awa? Bakit naawa ba ang Tao sa kung ano ang ginawa niya kay Imang Kalikasan, Hindi, di ba! kaya heto ang sayo Kamagong (sisindihan si kamagong hanggang sa ito ay maglagblab)
Kamagong: Huwagggggggggggg!!!!! Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!! (na tila kinakapos na ng hininga at isisigaw ang salitang) TAOOOOOO, tulungan mo kami…..
(Dala ng ginawa ni Hator kay Kam-Kamagong ay siya namang ikinagalit ng apat na elemento ng mundo at nagbuga ng galit sa sansinukob na lalo pang ikinamatay ng mga nag-uugnay sa mundo kasama si Hator)
(susunod na babagsak ay si Ali-Taptap na kinakapos na rin ang hininga, at susundan na ito ng iba pa gaya ni Kam-Kamagong, Bari-Barakuda, Kora-Korales, Karl-Kawayan, EdongDugong, Boy-Bayawak, Buboy-Bulate, at pawi-Pawikan at sa huli ay si Hator).
(sa puntong ito, habang nanahimik na ang mundo at ang apat na elemento ay nakahinto “freeze’ siya namang pagpasok ni Inang Kalikasan, isang kubang babae na lumakalad sa entablado na hila-hila ang kanang bahagi ng paa)
Inang Kalikasan: O mga bata huwag kayong mangamba at matakot sa akin… Hindi nyo ba ako kilala? (antayin ang sagot) Ako si Inang Kalikasan. Gusto nyo bang makita ang ganda ng mukha ko? Mayroon ba kayong dalang salamamin diyan? (matatawang wiwikain ang) joke..joke…joke… (at biglang magseseryoso)
Inang Kalikasan: Hindi ba kayo naaawa sa aking dala-dala? (ituturo ang likuran) Ito, ito ang dahilan ng aking paghihirap, at ito ay dahil na rin sa inyo. Nasa likod ko ang buong nag-uugnay sa inyo and mundo, pasan-pasan ko ito noon pa mga bata. Pagud na ako, at hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang walang habas na pagsira sa aking nilikha. Kaya inutusan ko na sina Amihan, Perena, Alena, at Danaya na ibigay na sa tao ang lupit ng aking ganti na ikinamatay ng mga nilikha sa inyong harapan.
(lalapit sa may harapan ng mga bata na waring nangungunsensiya)
Inang Kalikasan: Papayag ba kayo mga bata na magpatuloy pa ang ganitong ganti? (antayin ang sagot) Kung gayon, hiling koy’ tumulong sana tayo sa pagbantay sa ating kalikasan at makilahok tayo sa mga programang pang-kapaligiran maging ito man ay sa inyong barangay, paaralan o komunidad. Tutulong at makikiisa ba tayo mga bata? (aantayin ang sagot) Mabuti naman, kaya bilang regalo halika at magtulungan tayo na buhayin silang lahat. Sana’y aalagaan nyo na sila ha!
(tutungo si Inang Kalikasan sa mga nilikha at sa mga elemento ng mundo at itataas mula sa ibaba ang kaniyang dalawang bukang braso senyales na binibigyang buhay niya muli ang mga nag-uugnay sa mundo, tatayo at sabay-sabay na yuyuko kasama si Inang Kalikasan)

Kabaligtaran ng Genesis (Genesis in Reverse)
Mula sa librong ang Magkakaugnay na nilimbag ng Palawan Conservation Corps
Nilikom at Isina-iskrip ni EdongDugong Magpayo
Ang dulang ito ay maihahalintulad sa isang sabayang pagbigkas na nilapatan ng ibat-ibang karakter para magbigay buhay pa sa kwentong binabasa ng mga mandudula.
Mga Tauhan: Labing-anim na karakter nang tao na gaganap sa ibat-ibang uri ng buhay na bagay at mga likhang bagay na gawa ng tao na lubhang mapanira sa kapaligiran.
Panimula: Ang tagpo ay magaganap sa isang sirang ekosistema, ipinakikita sa dulang ito ang mga epektong ginawa ng tao sa isang kapaligiran at mga posible pang epekto na maaaring maganap sa pang-kasalukuyan. Sisimulang basahin ang una sa pitong talata ng sabayang pagbigkas habang sumasabay naman sa paggalaw ang mga karakter upang bumuo ng isang senaryo na sumasalamin sa mga talatang binabagtas ng mambabasa.
Unang Talata: Ng pasimula nilikha ng Diyos ang langit at lupa, talagang napakaganda nito. Namuhay sa mundo ang mga tao at kaniyang sinabi: Gagawa tayo ng matataas na gusali at malawak na lagusan. Halos takpan na ng tao ang mundo ng bakal at konkreto, at winika ng tao maganda, maganda!
(matapos ang pagbigkas sa unang talata at mabuo ang senaryo, agad namang isusunod ang pagbasa ng sabay-sabay sa ikalawang talata, kasabay din nito ang pagbuo ng senaryo base sa mga hinihingi ng kwento)
Ikalawang
Talata: Sa ikalawang araw, nakita ng tao ang mala-kristal at bughaw na karagatan. At sinabi niya: Ating tambakan ng mga basura at dumi ang karagatan. Dahil dito nagging kulay gatas at putik ang dating bughaw na karagatan. At sinabi ng tao maganda, maganda!
(matapos ang pagbigkas sa ikalawang talata at mabuo ang senaryo, agad namang isusunod ang pagbasa ng sabay-sabay sa ikatlong talata, kasabay din nito ang pagbuo ng senaryo base sa mga hinihingi ng kwento)
Ikatlong
Talata: Sa ikatlong araw, napansin ng tao ang luntian at matatayog na kagubatan. At sinabi niya: Putulin natin ang kakahuyan, at gumawa tayo ng mga bagay para sa sarili. Ang makapal na gubat ay naubos at nakalbo. Sinabi ng tao maganda, maganda!
(matapos ang pagbigkas sa ikatlong talata at mabuo ang senaryo, agad namang isusunod ang pagbasa ng sabay-sabay sa ika-apat na talata, kasabay din nito ang pagbuo ng senaryo base sa mga hinihingi ng kwento)
Ika-apat na
Talata: Sa ika-apat na araw, nakita ng tao ang mga naglalarong hayop sa parang. At sinabi niya: Hulihin natin ang mga hayop at gawing libangan sa pamamaril. Unti-unting naglaho ang mga hayop sa kaparangan. At sinabi ng tao maganda, maganda!
(matapos ang pagbigkas sa ika-apat na talata at mabuo ang senaryo, agad namang isusunod ang pagbasa ng sabay-sabay sa ikalimang talata, kasabay din nito ang pagbuo ng senaryo base sa mga hinihingi ng kwento)
Ikalimang
Talata: Sa ikalimang araw, nalanghap ng tao ang sariwa at malamig na simoy na hangin. At sinabi niya: Sunugin natin ang ating mga basura at hayaang maging marumi ang hangin. Naging makapal ang usok sa hangin kasama ng karbon. At sinabi ng tao maganda, maganda!
(matapos ang pagbigkas sa ikalimang talata at mabuo ang senaryo, agad namang isusunod ang pagbasa ng sabay-sabay sa ika-anim na talata, kasabay din nito ang pagbuo ng senaryo base sa mga hinihingi ng kwento)
Ika-anim na
Talata: Sa ika-anim na araw, nakita ng tao ang iat-ibang lahi ng sangkatauhan sa mundo. Nagkakaibang kultura, kulay at paniniwala. Natakot ang tao at kaniyang sinabi: gumawa tayo ng mga bomba paghahanda sa kaguluhan. Nagkalat sa lupa ang misayls at bombang ginawa ng tao. At sinabi ng tao maganda, maganda!
(matapos ang pagbigkas sa ika-anim na talata at mabuo ang senaryo, agad namang isusunod ang pagbasa ng sabay-sabay sa ikapito at huling talata, kasabay din nito ang pagbuo ng senaryo base sa mga hinihingi ng kwento)
Ikapitong
Talata: Sa ikapitong araw, nagpahinga ang tao. Mapayapa at nakabibinging katahimikan ang bumalot sa mundo. Dahil wala na ang tao. At ito ay napakaganda.
(sa huli ay sabay-sabay na magkakapit-bisig ang mga mandudula kasama ang nagbasa sa sabayang pagbigkas, hudyat ito ng pagtatapos ng nasabing dulaan)